Wednesday, January 13, 2016

Health Tips & Information

Daily Health Tips & Information


Scientific name: Garcinia mangostana Linn.; Mangostana garcinia Gaertn.
Common name: Mangosteen, Mangostan (Tagalog); Mangosteen, Queen of Fruits (Ingles)
Ang mangosteen ay isang kilalang prutas na kalimitang tumutubo sa isla ng Mindanao. Mayroon itong bunga na bilog, kulay lila at makinis na balat, at may lasa na maaaring matamis o maasim. Ang puno ay maaaring tumubo sa taas na 10 metro, at ito ay may dahon na makinis, makapal, at patulis na dulo.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA MANGOSTEEN?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang mangosteen ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Ang balat ng bunga ay may tannin at resin. Makikitaan din ng mangostin, isang mapait na substansya, sa balat ng bunga
  • Ang laman ng bunga ay may saccharose, dextrose, at kerrelose. Mayroon ding itong malic acid na siyang nagbibigay ng maasim na lasa.
  • Makikitaan naman ng xanthone, mangosharin, at mangostinone ang dahon at balat ng kahoy.

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Ugat. kalimitang pinakukuluan ang ugat ng mangosteen upang ipainom sa may karamdaman
  • Balat ng kahoy. Maaari ding ilaga ang balat ng kahoy ng mangosteen upang mapainom sa may sakit.
  • Dahon. Ang dahon ng halaman ay madalas ding ilaga upang mainom.
  • Balat ng bunga. Mabisa din ang balat ng bunga sa paggagamot. Ito’y pinupulbos at inilalaga upang mainom.

ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG MANGOSTEEN?

1. Pagtatae. Ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng puno ng mangosteen ang siyang pinaiinom sa taong dumadanas ng pagtatae. Mabisa din ang pinaglagaan ng buto ng mangosteen
2. Dysmenorrhea. Maaaring maibsan ang pananakit ng puson sa tulong ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng halaman.
3. Impeksyon ng fungi. Ang ilang mga sakit na dulot ng impeksyon ng fungi ay maaaring matulungan ng pag-inom at pag-hugas gamit ang pinaglagaan ng mga dahon at balat ng kahoy ng mangosteen.
4. Lagnat. Nakatutulong din sa pagpapababa ng mataas na lagnat ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon at balat ng kahoy.
5. Sugat. Maaari din gamitin na panghugas sa sugat ang pinaglagaan ng pinulbos na balat ng mangosteen. makatutulong ito sa mabilis na pagsasara at paghilom ng sugat.
6. Presensya ng free radical. Mabisang panglaban sa mga mapanirang free radicals ang pagkain mismo sa bunga ng mangosteen o kaya ay pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng bunga. Ang mangosteen ay itintuturing namabisang antioxidant.
7. Kanser. Ang substansya na xanthones na nakukuha mula sa balat ng kahoy, dahon at balat ng bunga ay mabisa laban mga tumor at cancer cells.

No comments:

Post a Comment